Tuesday, August 12, 2014

Alternative Way of Doing Network Marketing Business (Part One)

Kamusta?! 

Matagal tagal din ang nakalipas ng huli akong nag post ng article dito. Ang huli ko pang artikulo ay tungkol doon sa ikalawang Matinding kasinungalingan sa Network Marketing, na nagsasabing hindi na daw natin pa kailangang magbenta talaga, kwento kwento na lang daw tayo sa mga kaibigan natin ang mga produkto ng ating kumpanya. Tama ba yun o mali? 

(kung nais mong malaman ang sagot, o mabasa yung article na iyon ay iclick mo lang ang link na ito.)


Gusto ko man ituloy ang pagbibigay pa ng lima (5) pang natitirang matitinding kasinungalingan tungkol sa Network Marketing, mas maganda siguro na hingin mo na lamang sa akin ang kopya ng ebook na iyon para ikaw na ang makabasa at humusga. 

Nasa bandang baba ang form para mapadalhan kita ng kopya nito sa email mo. Wag kang mag-alala, libre ito at pwede mo ding i-share sa grupo mo! :)

Oo nga pala! Gusto ko munang humingi ng paumanhin doon sa mga taong nag request ng ebooks, mga nag add sa akin sa facebook, mga nag message, at sa mga nag comment sa mga posts ko. 

Sa totoo lamang ay higit kumulang dalawang taon din akong napahinga sa pag boblog at pag nenetwork marketing, kaya hindi ko masyado naasikaso itong hobby at negosyo ko.


I'll try my best para ma follow up kayo. Lahat tayo ay mayroong madaming mga katanungan tungkol sa negosyo natin. 

Kahit ako sa totoo lang ay madami pang dapat na matutunan, maranasan at mapagdaanan sa industriyang ito. Kaya sana po maintindihan ninyo na hindi pa rin ako eksperto sa Network Marketing. 

Ang haba na naman ng introduction ko, so simulan na natin...

Ang ibabahagi ko ngayon ay sa opinyon ko ay isang posibleng alternatibong paraan ng pagnenegosyo ng Network Marketing. At para maipakita ko ang alternatibo, pagusapan muna natin ang kalimitang pamamaraan o diskarte ng pag nenetwork marketing.



Madalas, ang unang exposure ng isang indibidwal sa MLM ay sa pag atend ng isang Business Opportunity Meeting o BOM. Sana ay dahil sa siya ay maayos na naimbitahan, at sana ay hindi sya na "kidnap" ng isang kaibigan o kakilala, o kaya naman ay nadaya ng isang flyer na ang nakalagay ay "Job Hiring".

BATO BATO SA LANGIT, ANG TAMAAN WAG MAGAGALIT! :)

Minsan naman, nakakadinig sila ng BOM thru One on One Presentation. At recently lamang ay nauuso na rin ang online o video presentations. 

Actually mas may recent pa. Ito lamang ay medyo nakakalungkot, kasi medyo nauuso na ang monoline o fast track mlm companies, na wala na daw recruit recruit, kasi nga naman monoline na eh, isang linya na lang, kumpara sa binary or mulit-level. So paunahan na lamang ang labanan. 

Legal ba iyon or illegal? Sa mga susunod na artikulo na lamang natin ito pagusapan.

Halos alam na alam na natin ang laman ng mga BOMs or Business Opportunity Meetings. Siguradong sigurado naandyan ang 3Ps of the Company: the Profile, the Products, and the Plan (marketing plan o kitaan). 

Naandyan din ang pagtatalakay sa mga reasons why you will do the business. Hindi na rin maiiwasan ang HYPING, o pag didisplay ng pera o mga cheke ng mga top earners ng Company. Hindi lang pera o cheke, pati rin mga sasakyan nila, mga bahay at lupa, mga travel incentives, at kung anu ano pa.

Naandyan din pinaguusapan ang mga rason bakit hindi tama o hindi sapat na umasa lamang sa pagiging EMPLEYADO. 

  1. Na kesyo hindi mo daw hawak ang oras mo. 

  2. Na kahit pa sigurado nga ang sweldo mo tuwing akinse at katapusan, wala ka pa din daw chansa na kumita ka ng malaki sa trabaho. 

  3. Na kesyo daw ibang tao ang pinayayaman mo. 

  4. Na ang sweldo mo daw sa akinse ay gagamitin mo lamang para sa araw-araw na pangangailangan mo hanggang sa katapusan, at ang seswelduhin mo naman daw sa katapusan ang sya mo din daw gagamitin pang araw-araw hanggang sa kinsenas and vice versa. 

  5. At ang masama pa nga naman minsan, ay kulang pa para umabot sa akinse o sa katapusan.

Hindi lang employment ang "pag-uusapan" sa BOM. Pati na din mga tradisyonal na negosyo.


Negosyong kagaya ng mga grocery stores, bakeries, ukay-ukay, computer shops, etc. Tapos pagtatawanan pa dyan ang pinaka pangkaraniwang negosyo ng isang pinoy, ang SSS o sari-sari store.

Unang una nilang pagkukumparahin ang CAPITAL na kinakailangan para maittayo ang business mo, kumpara sa kung magkano lamang na membership para makapagsimula ka sa negosyo ng kumpanya. Na sa traditional business nga naman daw, ang chance mo para mag succeed ay isa sa sampu lamang (1/10 o 10% ayon kay Robert Kiyosaki).


Pangalawa daw ay ang mga produkto. 

Halimbawa daw ay bigasan o rice dealership ang napili mong negosyo, so natural, bigas ang produkto mo. Sa isang sako halimbawa ay may 50 pesos kang tubo. Ikukumpara iyon sa tutubuin sa pagbebenta ng isang bote ng produkto nila, halimbawa ay mga 200 hanggang 500 piso isang bote.

Kumpara nga naman daw sa bigat at laki ng produkto, mas magaan at mas maliit ihandle ang mga bote bote ng mga produkto ng kumpanya kumpara sa sako sakong bigas ng tindahan mo. Etc, etc...

Oo, may punto naman ang mga sinabi nila sa BOM tungkol sa pagiging empleyado at tungkol sa mga tradisyonal na negosyo.

Pero hindi ba masyado naman yata nilang minamaliit at binabalewala ang mundo ng employment at mga tradisyonal na negosyo?

Hindi ba't sa employment at tradisyonal business karamihan tayo binuhay at pinalaki ng mga magulang at mga lolo at lola natin???

Ikaw, ano sa tingin mo? Ano ang una mong exposure sa Network Marketing? Na "kidnap"ka ba o nadaya o naimbitahan ng maayos?

Tama ba o hindi ang pamamaraang ito ng mga Business Opportunity Meetings?


Salamat po sa oras ninyo at sa pagbasa! Abangan nyo po ang Part Two! :)

Makiki-share na din po nitong article o post na ito sa mga friends nyo sa facebook at twitter.

God bless you and your MLM Business! Your Partner in MLM Success,