Monday, August 25, 2014

Alternative Way of Doing Network Marketing Business (Part Two)


Welcome back kaibigan! Salamat sa muli mong pagbisita sa blog site ko. Medyo natagalan ng konti
etong Part 2 ng article ko tungkol sa Alternatibong Pamamaraan ng Pag nenegosyo ng Network Marketing. Kaya dapat ay simulan na natin.

Sa aking palagay ay MALI ang pamamaraan ng mga traditional Networkers na maliitan at balewalain ang Employment at traditional businesses. (Hindi ko na babangitin yung para sa tradisyonal na negosyo. Sa Employment na lang ang uulitin ko para ma review yung Part 1.)
Oo, may tama sila sa pagsasabing ibang tao lamang ang pinapayaman ng mga empleyado sa kanilang pagtatrabaho, bukod sa kawalan ng "Time Freedom", dahil talagang hawak ng mga employer ang oras ng mga empleyado. At totoo din na minsan ay kapos ang sahod ng mga empleyado.

Pero...

Hindi naman tama na gamitin ang mga katotohanang ito para siraan at pahinaan ng loob ang mga tao sa kanilang pag eempleyo o pag nenegosyo.

At hinding hindi din tama ang mang HYPING, o mag display ng PERA, mga sasakyan, bahay at lupa, mga picture ng recognition o travel abroad, para ma-akit ang mga tao na sumali sa ating sari-sariling mga Network Marketing businesses!!!

Bakit?!?

Unahin natin ang HYPING. malinaw na malinaw na PAMBUBULAG ito. 

Kung hindi maingat ang mga nakikinig ay mabubulag sila ng PERA o kung anu ano pang ipinapakita, at "IPINAPANGAKO" o iginagarantiya ng mga speaker, na kikitain o makakamtan ng mga magpa Pay-In sa loob lamang ng ilang mga buwan ng pag Nenetwork Marketing. 


At kahit totoo na hindi sapat na umaasa lamang sa Employment at Traditional Businesses, wag natin sila idiscourage mag trabaho, dahil:

NAPAKA IMPOSIBLE mag business ng Network Marketing na wala kang "Pang-Galaw" o gasolina sa Networking mo! 

Kaylangang kaylangan ng isang nag Nenetwork Marketing ng continuous na supply ng pondo para makapag negosyo.

Kaibigan, dahil sa dalawang puntong iyan kaya madaming mga Networkers ang NAPAPASO at talaga din namang NASUSUNOG sa pag Nenetworking.


"97% of network marketers never reach a positive cashflow in their business." -Ann Sieg
Kaya eto ako ngayon at ihinahain sayo ang aking "Alternative Way of Doing Network Marketing Business", na ayon nga mismo kay Robert T. Kiyosaki ay:

"Keep your daytime Job and join a Network Marketing Business"

Eto ang sa aking palagay ay ang pinaka Epektibong pamamaraan para mag Network Marketing. Mag-uumpisa tayo sa trabaho o tradisyunal na negosyo, upang:
  1. Kumitapara sa ating mga pang araw-araw na pangangailangan,
  2. Matuto ng mga mahahalagang Life Skills,
  3. Magkaroon ng mga Contacts (mga kaibigan at kakilala)
at pagkatapos ng trabaho (o kung pwedeng maisabay, o kapag may libreng kang oras) ay ang pag Nenetwork Marketing.

Sabi nga ulit ni Kiyosaki:

"You do not get rich at work, you get rich in your SPARE TIME"

Kung papaano pagsabayin ang Employment at Network Marketing ang magiging topic ng aking susunod na article.


Salamat muli sa iyong oras! Kung na-enjoy mo basahin ito, paki-share sa mga friends mo sa facebook o twitter.

God bless you and your MLM Business!

Your Partner in MLM Success,