Sunday, January 17, 2016

Flaws and Shortcomings of Network Marketing (Part 2)

Hi, ituloy natin ang pagtalakay tungkol sa kakulangan o kahinaan ng Network Marketing Business. (I-click mo lang dito kung gusto mong balikan ang First Part nito.)

#4: Only the top 3% - 20% on the MLM hierarchy make it big.

Marahil tanggap na natin na totoong 80% - 97% ng mga Network Marketers ay hindi nag tatagumpay sa MLM business. Na 20% - 3% lang na mga beterano at sikat na mga Networkers lang ang talagang kumikita sa ganitong industriya. Hindi naman kaya mas eksaktong sabihin na yung mga top 3% - 20% Networkers ay kumikita dahil sa 80% - 97% na nasa ilalim nila?
And so forth and so forth...
OO, marahil ay product sellers o product users ang karamihan sa 97% na Networkers. In a way ay may monthly income sila kahit papaano, sa product movement  pati na rin sa mga bagong memberships. Pero the more na sabihin  natin na successful pa rin ang bottom 97%, mas lalong successful ang nasa top 3% diba?

Ang sarap sarap talagang pag-aralan at balik balikan ng Marketing Plan ng mga company natin di ba? Napakasarap isipin kung gaano ka "Generous" at innovative ang Direct referrals, Binary and Repeat/Redundant Binary pairing/matching, Multilevel and Unilevel bonuses, etc di ba?

Honest question: Ilang tao ang kailangan para mabuo o kahit makalahati man lang ang Total possible income sa marketing plan? Kunwari sa Binary system, ilang tao ang kailangan sa left at sa right? Tig 2,000 sa kaliwa at kanan? O kaya tig 4,000 sa kaliwa at another 4,000 uli sa kanan?

Ibig sabihin para makamit mo ang Grand Total Bonus, kailangan mo ng at least 4,000 members sa left and right group under mo. Congratulations! Bigatin ka pag na achieve mo yan! Hindi ko sinasabing impossible, pero hindi yan madali, buong pusong binabati kita. Pangarap kong makamit yan sa totoo lang!

Magkano kaya ang kikitain mo kung tig 50 lang sa left at right mo? Total na tao mo nyan under you ay 100. Pag nakuha mo yang amount of money, that makes you 1% na kumikita nyan, out of 99% na members under you. Pero syempre yung mga top among sa 99%, may kita na kalahati ng sayo diba?

That is how MLM really works.

#5: Some MLM Companies only use their Products as a cover, so that their business will be “Legalized” or not be called Pyramiding.


Isa sa mga requirements para maging legal at hindi mabansagang Pyramiding ang isang Network Marketing business ay dapat may products kang matatanggap kapag nagbayad ka ng membership mo. Actually, dahil na rin sa RA 5601, dapat ay at least 73% ng pera mo ay para sa produkto.

Ito ang dahilan kung bakit ang produkto ng mga MLM companies ay medyo o kalimitang mas mataas kumpara sa mga produktong karaniwang nabibili sa merkado. Syempre, dahil kailangan ng Company na ibawas ang Direct Referral fee sa membership package mo, at pati na din pang bonus, o porsyento ng mga uplines sa pagbili at pagbebenta mo ng mga products.

Kalimitan din, hindi and products ang incentive ng isang tao para mag-join sa isang MLM business. Nag me-member sila hindi para sa products, o discounts, mas madalas ay para sa Compensation o Marketing Plan.

I have a good question for you. Pag ginagawa mo ang Network marketing business mo, ano ang ibinebenta o ipinupush mo? Yung mismong MLM Company ba? Products ba? o yung Marketing Plan or kitaan ng company?



Isingit ko lang dito yung 8 Point Test na ginagamit ng Direct Selling Association of the Philippines para malaman kung Pyramiding ba o legal ang isang MLM business:

1. Is there a product?
2. Are commissions paid on sale of products and not on registration/entry fees?
3. Is the intent to sell a product not a position?
4. Is there no direct correlation between the number of recruits and compensation?
5. If recruitment were to be stopped today, will the participants still make money?
6. Is there a reasonable product return policy?
7. Do products have fair market value?
8. Is there a compelling reason to buy?

If the answer to all the questions is YES, then the company being evaluated is a legitimate company.  But if the answer is NO, then there is a high probability that it is a pyramid scam.

(sorce: http://www.dsap.ph/the-industry/how-to-differentiate-a-legitimate-direct-selling-company-from-pyramiding-using-the-8-point-test.html)

Last but not the Least:

#6: Market Saturation

Naku, hinding hindi ito aaminin ng mga Uplines natin! “There is no such thing as Market Saturation!” daw talaga. Example nila is Coca-Cola, na hanggang pinakang dulo o sulok ng lugar sa Pilipinas, kahit gaano pa ka  ay napapasok. Bakit daw hanggang ngayon ay may bumibili pa din  ng Coke?

Well ang sagot ko dyan is Branding! At di kagaya ng nasa #5, ang Coke ay focused sa product movement, hindi kagaya ng MLM na focused on selling positions (with 73% in products para di maging pyramiding).


Bakit ko nasabi na meron talagang Market Saturation ang isang MLM Business?
  • First 2 reasons na nabanggit ko last post: #1 (Sa una lang yan!) at #2 (Pioneering tayo!). Marahil magpatuloy ang product movement, pero I’m not sure kung magtuloy ang MLM organization, kasi the deeper the organization grows, the more people (times two) ang kinakailangan to continue.

  • MLM tends to overhire, overextend, or oversupply a market. Nakaranas ka na ba na gusto mong mag post ng products o Business opportunity ng company mo pero meron nang ibang nauuna, o kaya naman ang dami dami nyo nang nag post tungkol dito? Nangyayari ito kasi as people join more and more, even a lot more people are being prospected, asked, and offered to join. In binary plans for example, for everyone that joins, that person will need at least 2 more to  feel that he is earning a bit.

  • No protected territory/distribution program - Lahat ng franchising business ay merong location limits/protection. Kung may McDonalds na sa isang lugar, wala nang ibang McDonalds dapat malapit sa branch o outlet na iyon (with some exceptions, like malls, etc). Walang ganito sa MLM businesses. Nakakita ka na ba ng apat na McDonalds sa apat na corner ng intersection? Sa MLM pwede ito, dahil lahat ay welcome maging distributor.

Conclusion:

  1.     May limit ang lifespan ng mga MLM Companies.    
  2.     Mahalaga ang Launch Date ng isang MLM Company, mas bago mas saleable.
  3.     Mahalaga din na mauna ka sa organization o position.
  4.     Only the Top 3% -  20% succeeds.
  5.     Ginagamit ng ibang Company na “cover” ang Products para hindi mabansagang Pyramiding.
  6.     Market Saturation (Wala talagang forever, kahit sa business na ito!).

Agree ka ba sa mga conclusions ko? Marahil ay mali ako, I would love to be corrected. Kung tama naman ito, worth pa ba talaga ituloy ang Network Marketing business? Siguro mas magiging professional tayo kung ise-set natin ang expectation ng mga gustong mag-join, na ito ang katotohanan sa MLM business.

Knowing this, nag-decide parin ako na ituloy ang Network Marketing business ko. Ipapaalam ko sa lahat ng tao under my organization ang mga katotohanang ito. Sasabihin ko sa kanila na mahalaga ang commitment sa company, pero dapat nilang malaman na may life cycle din ang mga MLM companies.

Meron akong program sa MLM business ko on how to move products, hindi membership, to make sure na it is through product movement ang intention ng pagbubusiness at hindi ang mag-recruit. Sa program ko ding ito ay ini-aapply ko ang Online Marketing, na kung saan ay nai-pupush ko ang MLM business, kahit hindi ko binabanggit ang 3P's ng company: wala akong binabanggit na company Profile, Products, at marketing Plan. 

Kung gusto mong malaman ang program ko, pwede mo akong i-message sa baba:


Powered byEMF Online HTML Form